Nagbakasyon sa probinsya si Mia upang manatili sa kanyang lolo at lola. Habang naglilinis ay napukaw ng kanyang atensyon ang isang lumang kahon. Dito ay napag alaman niya ang mga sekreto na tinago na kanyang ina sa una nitong naging kasintahan. Anong lihim kaya ang meron ang kahong ito? Paano nito mababago ang pananaw ni Mia sa pag-ibig? Si Mia, isang tipikal na teenager na ang atensyon ay sa pag-aaral lamang. Kahit kelan ay hindi sumagi sa isip niya ang magkagusto. First Love? Crush? First Kiss? Puppy love? Lahat ng ito ay di niya pa nararanasan. Bago namatay ang kanyang ama ay binilin nito sa kanya na mag-aral ng mabuti, binilin din nito na huwag magno-nobyo hanggat nag-aaral pa. Sinunod ni Mia ang bilin ng ama. Naging magaling na mag-aaral siya at palaging mataas ang mga grado. Subalit ito naman ang dahilan kung bakit kinainggitan siya ng iba niyang kamag-aral. Naging tampulan siya ng tukso dahil bukod sa reading glass niyang makapal ang lente ay jologs din siya manamit. Hindi naman ito pinansin ni Mia dahil laging pinababatid sa kanyang ina na hindi importante ang kanyang itsura. Ang mahalaga ay nag-aaral siya ng mabuti. Naging inspirasyon niya ang kanyang ina dahil noong kabataan nito ay naging magaling din ito sa klase at palaging kasama sa Top student ng paaralan nito. Si Abel isang transferee student galing abroad. Hindi mahirap sa kanya na makakuha ng mataas na grado dahil sa IQ niyang 142. Bukod sa matalino ay naging campus heartthrob din siya dahil sa likas niyang kagwapuhan. Gayunpaman ay napakalamig ng pakikitungo niya sa kanyang mga kamag-aral. Palaging mag-isa at napakatahimik. Wala din siyang pakialam sa mga babaeng nagkakaroon ng interes sa kanya sa halip ay hinahayaan lamang niya ang mga ito na magkandarapa. Ngunit isang diary ang mag-uugnay sa kanila. Diary nang nakaraan na matagal na itinago ng ina Mia, si Isabel.